Tuesday, October 28, 2008

MAGLAKAD BAGO TUMAKBO

Narinig nyo na ba ang mga katagang ito : "Bago ka tumakbo, maglakad ka muna"?

Kung baga sa designing, paint muna bago photoshop..
Sa Information System, kalbo este papel muna bago ledger at journal..
Sa System Modeling Analysis, pindot muna ng right arrow key bago sabihing "next"..
Sa System Integration Architecture, aral muna ng balagtasan bago lecture..
Sa programming, Hello World! muna bago Oledibamahirap..

Sa mga ibang pagkakataon, sa palagay ko tama naman.. Pero sa personal kong buhay? Di naman kailangan...

Siguro dahil na rin sa edad ko kaya ko nasasabi to, pero sa lahat ng "success" ko sa ngayon, ay dahil sa pagtakbo ng walang paki-alam kung ano mangyayari.. at kung sakaling sumablay man, at magkamali't bumagsak,.. babangon at tatakbo ulit.. dahil ang pagkakamaling yon ay baon mo sa muling pagtakbo..

Minsan may mga nagtanong sa kin..
"Pinagaralan mo ba basics nyan?"
"May nagturo ba sa 'yo o pinagaralan mo lang?"

Kung puwede lang isagot: "Hindi, tumakbo ako eh.."

0 comments: