May isang matanda na nakaupo sa may bintana kasama ang kanyang anak na nakatapos na ng pagaaral. Ilang saglit pay may isang uwak na dumapo sa bintana.
Tinanong ng matanda sa kanyang anak, "Ano yaon?"
"Isang uwak" sagot ng anak..
Pagkalipas ng ilang minuto'y nagtanong ulit ang matanda, "Ano yaon?".
"Tay, kakasabi ko lang, yun ay uwak" sagot ng anak.
Pagkalipas pa ng ilang minuto'y muling nagtanong ang matanda, "Ano yaon?"
Tila ikinagalit na ng anak ang pagtatanong ng matanda at sinabing "Yaon ay uwak, uwak".
Ilang saglit pa'y nagtanong muli ang matanda, "Ano yaon?".
Sa pagkakataong itoy napasigaw ang anak sa kanyang ama, "Bakit ba tanong kayo ng tanong ng paulit-ulit na tanong kahit na sinabi ko na yaon ay uwak, uwak! Hindi nyo ba naiintindihan?"
Pagkaraan ng ilang sandali'y nagtungo ang matanda sa kanyang silid at bumalik hawak ang isang lumang talaarawan na kanyang pinagkaingat-ingatan mula pa ng isinilang ang kanyang anak. Binuksan niya ang isang pahina, at ipinabasa ito sa kanyang anak. Binasa ito ng kanyang anak, at ang nakasulat ay ang mga katagang ito:
"Ngayong araw ang tatlong taon kong anak ay kasama kong naupo sa sofa, nang may isang uwak na dumapo sa bintana. Tinanong ako ng aking anak ng "Ano yaon?" ng dalawampu't tatlong beses, at sinagot ko siya ng dalawampu't tatlong ulit. Niyayakap ko siya ng punung-puno ng pagmamahal sa bawat paulit-ulit niyang pagtatanong. Kahit kaunti ay di ako nakaramdam ng galit o pagka-asar bagkus ay nabighani ako sa aking inosenteng anak."
Habang ang bata'y nagtanong ng dalawampu't tatlong ulit "Ano yaon?",
ang ama'y hindi nakaramdam ng galit o pagka-inis, at ngayo'y ang ama ang nagtanong ng apat na ulit, na ikinagalit ng anak..
kaya marapat lamang....
Na sa araw ng pagtanda ng ating mga magulang, sana nama'y hindi natin sila ituring na "pabigat" o "kunsimisyon".. Bagkus, bigyan natin ng importansya ang mga sakripisyong ginawa nila sa atin.. Mula ngayon isaisip natin : "Nais kong makita ang aking mga magulang na masaya magpakailanman. Inalagaan nila ako mula pagkabata, at ipinakita ang hindi maka-sariling pagmamahal. Tinawid nila ang bawat unos ng buhay para masabi sa mundo na tayo, na kanilang mga anak, ay nabuhay ng marangal at puno ng pagmamahal."
P.S.
"Nay , Tay, Kung nababasa nyo to ngaun, sana malaman nyong masaya ako na kayo ang mga magulang ko. Salamat din po pala sa tuition fee kanina... "
Three months - Breaking the Silence.
1 year ago

1 comments:
awwww... sweet naman... ^_^
Post a Comment