Umaga na, inabot na ako ng tilaok ng manok sa pagkakahiga... malambot ang aking unan, makapal ang kumot, komportable ang kama... pero tila balisa parin ang aking pagkakahiga... Nagpasya akong buksan ang aking Computer at magsulat ng bagong lathala sa blog na ito... linakasan ko ang speaker upang sa aking pagsusulat ay mayroong senting pakiramdam mula sa mga awiting nagpapaantig ng puso... nang di inaasahang pangyayari ang naganap...
Kumatok si inay sa pinto ng aking kuwarto.. Galit na galit sabay pasigaw na sinabing:
"Hoy matulog ka na, computer sa umaga, computer sa hapon, computer sa gabi, aba'y madaling araw na, muka ka ng computer!"
Dahil sa ako'y ipinanganak na masunuring bata.. nagpasya akong matulog na lamang, ngunit sa aking pagkakahiga.. naisip ko ang sinabi ni nanay,...
Hindi iyon ang unang pagkakataong sinabi nya na muka na daw akong computer..
Dali-dali akong naghanap ng salamin at minasdan ang aking itsura...
Mahaba naman ang aking muka at di naman parisukat gaya ng monitor...
kokonti lng naman ang pimples ko na di rin pd maging keyboard...
pahaba pa naman ang tenga ko, di pabilog gaya tenga ng mouse este mice..
di naman mukang printer yung bunganga ko...
ah basta, di ako mukang computer...
at bigla na lamang napuno ng tuwa ang aking pagiisip...
Salamat nay, dahil sa paningin mo muka akong computer...
eh kesa naman sabihan ako o ikaw ng "muka kang orocan",
"muka kang pandesal na natapakan",
"muka kang kaldero"
o kung ano pa man,.. I.T. student ako.. marapat lamang na muka akong computer...
Three months - Breaking the Silence.
1 year ago

0 comments:
Post a Comment