Tuesday, November 18, 2008

ANG IYONG NGITI...



Naging masaya ang araw na ito.,. di mawala sa aking isipan ang matatamis nyang ngiti na sya namang ibinaon ko sa aking paguwi..

matagal tagal na rin ng huli akong gumawa ng vector art, ang klase ng digital art na dudugo ang ilong mo sa tagal ng paggawa at sa hirap ng pagaayos ng kulay,.. sa lahat (bukod sa 3d render) para sa akin, ang vector ang isa sa pinakamahirap na digital art, bukod sa kailangan maging kamukang kamuka ng modelo mo ang ginawa mo, kailangan din na mahusay ang iyong mga mata sa pagtingin kung ano ang dapat madilim at maliwanag na parte... sa pagkakataong ito, ang napili kong gawan ng art ay ang picture namin ni Rina ^_^ ... at dahil nga naman sa hirap eh eto inabot na tuloy ako ng hatinggabi eh di ko man lang nakalahati.... pero masaya parin dahil kahit papaano,,. sa nagawa ko... kasama ang ngiti mo... at kahit di pa ito tapos... alam ko at ramdam ko na isa ito sa mga pinakamagandang nagawa ko sa arts life ko...

Muli... salamat sa araw na ito ^_^

0 comments: