Friday, November 14, 2008

BULAG

"Gaya ko, balang-araw mabubulag ka... Uupo ka rito, sa gitna ng kawalan, sa kadiliman, gaya ko..."

Balang-araw sasabihin mo sa iyong saril
i, "Pagod na ako..uupo ako saglit.." at ikaw ay magpapahinga,.. At sasabihin mong "Nagugutom ako... Tatayo ako at kukuha ng makakain..." Ngunit.. hindi ka makatayo.. at sasabihin mong "Sana ay di na lamang ako umupo... sige mamaya na lamang ako tatayo at kukuha ng pagkain".. Ngunit hindi ka makakatayo at wala kang makakakuhang pagkain..

Mapapatingin ka sa kisame at sasabihin mong, "Siguro matutulog muna ako, at pagkatapos nuon, maganda na ang pakiramdam ko"... at isasara mo ang talukap ng iyong mga mata... At sa muling pagmulat mo'y wala na ang kisame...



Walang-hanggang kadiliman ang babalot sa buong paligid, doon tanging ang mga ugong at ligalig lamang ang iyong maririnig... bawat bagay na iyong inaasam makita ay kailan ma'y di mo na matatanaw... at wari ba'y isa ka na lamang latang iniwan sa gitna ng ulan, tinatapaktapakan at kung saan saang lupalop napapadpad kahit hindi mo ito ninanais...

Oo, balang araw malalaman mo kung ano nga bang pakiramdam, ikaw ay magagaya sa akin,.. subalit wala kang kasama,..

"Hindi dahil bulag ka,.. hindi dahil wala kang paningin,.. ngunit wala ng bagay sa mundo ang natitira upang iyong makita..."

0 comments: