Pagdating ko sa bahay ay kaagad na nagkulong sa kwarto at binuksan ang computer para magpaka-adik sa kung ano anong bagay... nang biglang kumatok si inay at sinabing : "Anak gawa ka nga ng design para sa pwesto natin."
Mayroon kase kaming pwesto sa palengke, tindahan ng gulay, prutas at kung ano ano pang sangkap.. Sa isip ko, "oo nga, magiging maaksyon ang gulayan namin kung sakaling malalagyan ito ng kaakit-akit na design."
Bilang isang mabait na anak, at alagad ng sining.. agad kong sinimulan ang utos ni inay.. Cut dito, dikit doon, patong dyan, at kung ano ano pang mga teknik ang aking ginawa upang mailabas ang maaksyong design para sa pwesto namin.. di naglaoy natapos ko ito, at buong pusong ipinagmalaki ito kay inay..
sa di malamang dahilan, tila hindi nagustuhan ni inay ang aking linikhang larawan.. kung ano ano pang sinabi.. sagot ko nama'y :"yan ang uso ngayon, yan ang mga maaksyong design sa industriya ngayon"..
at walang habas na sagot sa akin ni inay : "You should not follow the trend, you should set them."
O_O? ang aking damdaming punong puno ng diwa ng sining ay nayurakan ng mga katagang ingles ni inay.. "Sige po nay, ulitin ko nalang."
Ako'y napaisip, sya nga naman.. silang mga magigiting ay syang naging pundasyon ng natatanging estilo... sa mundo na ginagalawan ko (at sayo),. tunay ngang importante ang pagiging natatangi,.. ang pagiging mahusay sa sariling paraan.. sa mga oras na akala ko ay halos lahat ng bagay ay kaya ko nang gawin,.. may mga bagay pala akong nadaraanan ng di ko man lang namamalayan..
maaring ang mga ginagawa ko ay ginawa narin ng iba... maaring ang mga ginawa ko ay nahulma sa gawa ng iba... ngayon.. payo ko sa sarili ko.. at sa inyo na nais magtagumpay sa mga sarili nyong industriya...
"Kahit pangit, basta natatangi... ok na yan.." ^_^
Three months - Breaking the Silence.
1 year ago

0 comments:
Post a Comment