Minsan nakakita ako ng sapatos sa daan.... at sa muling makakakita ako, di ko mapigilang malungkot....
Eh ano nga ba namang rason para iwanan ng isang tao ang isang bagay na talaga namang importante... At paano kaya umuwi ang taong yun kung wala ang isang pares ng kanyang sapatos...
Siguro mga baliw lang na kagaya ko ang magaaksaya ng oras para isipin ang mga ganitong bagay.. sa lungsod na ito, gaano kaimportante ang sapatos o tsinelas? Sa katunayan nga wala sigurong lalabas ng kanilang mga bahay kung walang suot na sapatos.. Yung iba nga libo-libo ang ginagastos para lang magkaroon ng magandang pares.. Tapos nakita ko lang sa daan, ang isang sapatos, sapatos na walang pares, na minsang naging parte ng buhay ng isang tao, minsang nakasama nya sa lakad ng kanyang buhay.. madumi, pakalat-kalat, at dinadaan-daanan....
Kung nakakaramdam lang ang sapatos na iyon, marahil masabi nya ang kanyang nararamdaman... datapwat wala ako sa sitwasyon ng sapatos... batid ko kung ano ang pakiramdam na ito.. alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa.. alam ko ang pakiramdam ng naiwan.... na tila isa sa mga bagay na maging ang pagtanto ay masakit...
Siguro,.. kaya binigyan ang tao ng dalawang paa, upang ating mabatid na di tayo makakalakad sa agos ng buhay na mag-isa... gaya ng sapatos, na iniwan mag-isa,.. hindi magagamit kung wala na ang pares...
kung ang tao ay ipinanganak upang maglakad ng magisa sa buhay, palagay mo, ipagpapatuloy nya ba ang paglalakbay na ito? Hahanapin nya ba ang kanyang pares o uupo na lamang sya at hihintaying pagdaanan na lamang sya ng panahon?
"sa dulo ng mahabang lakarang ito, sana'y muli tayong magkita-kita..." Plague_66
Three months - Breaking the Silence.
1 year ago


0 comments:
Post a Comment