Monday, June 8, 2009

HAIATUS..



Tahimik, payapa at walang bahid ng anumang kalungkutan.. Marahil na rin siguro sa labis na kaginhawahan ay walang malay na naidlip sa aking pagkakaupo... At walang anu-ano'y nabigla't nagising sa isang malalim at kakaibang boses: "You are not doing you're best." (at sosyal ang boses na ito, nage-english).. Dahil sa doon ay aking napagtanto, na lagi na lamang akong nasa "ayos na yan".. "pwede na yan".. at "tsaka na yan."..

Malayo-layo narin ang narating ko, sa katunayan, isang taon na lang magre-retiro na ako sa pagiging estudyante. At bago narating ang lahat ng yaon ay di birong tiyaga ang pinagdaanan ko (partida natural sa akin ang pagiging tamad), at kailanmay di ako nadismaya sa kahit anong bagay na pinagbuhusan ko ng pawis at oras (O.A. kung dugo). Marami na rin ang nagsabi na malayo ang mararating ko, at naguumapaw naman ang galak sa damdamin sa tuwing maririnig ko yaon.

Bagamat batid ko na ginagawa ko ang lahat ng magagawa ko sa isang bagay, ramdam ko na mayroon pa ring kulang, alam ko na mayroon paring gasulong na magagawa, batid ko na mayroon pa akong hindi nailalabas, bagay na tila kailangan kong pagisipan at hintayin.

Kailan nagkulang ang salitang "lahat"?..

Bawat tao ay may limitasyon, at batid ko na hindi ko pa yaon naabot.
Gayunpaman, ako'y maghihintay, na balang araw, kahit paano't kahit kailan, mailalabas ko ang aking tunay na talento't abilidad. Sa ngayon,

magiging kontento ako sa anumang mayroon ako, habang inaabot kung ano man ang nais ko..

1 comments:

adriyel said...

tol, unga pala graduating kana nu? wag mo ako kakalimutan sa kainan ha,.haha xet matagal tagal pa kame sa usaping graduation,.haha pero ok alng, masarap mag-aral,. mahirap nga lang,.haha