Monday, June 8, 2009

HAIATUS..



Tahimik, payapa at walang bahid ng anumang kalungkutan.. Marahil na rin siguro sa labis na kaginhawahan ay walang malay na naidlip sa aking pagkakaupo... At walang anu-ano'y nabigla't nagising sa isang malalim at kakaibang boses: "You are not doing you're best." (at sosyal ang boses na ito, nage-english).. Dahil sa doon ay aking napagtanto, na lagi na lamang akong nasa "ayos na yan".. "pwede na yan".. at "tsaka na yan."..

Malayo-layo narin ang narating ko, sa katunayan, isang taon na lang magre-retiro na ako sa pagiging estudyante. At bago narating ang lahat ng yaon ay di birong tiyaga ang pinagdaanan ko (partida natural sa akin ang pagiging tamad), at kailanmay di ako nadismaya sa kahit anong bagay na pinagbuhusan ko ng pawis at oras (O.A. kung dugo). Marami na rin ang nagsabi na malayo ang mararating ko, at naguumapaw naman ang galak sa damdamin sa tuwing maririnig ko yaon.

Bagamat batid ko na ginagawa ko ang lahat ng magagawa ko sa isang bagay, ramdam ko na mayroon pa ring kulang, alam ko na mayroon paring gasulong na magagawa, batid ko na mayroon pa akong hindi nailalabas, bagay na tila kailangan kong pagisipan at hintayin.

Kailan nagkulang ang salitang "lahat"?..

Bawat tao ay may limitasyon, at batid ko na hindi ko pa yaon naabot.
Gayunpaman, ako'y maghihintay, na balang araw, kahit paano't kahit kailan, mailalabas ko ang aking tunay na talento't abilidad. Sa ngayon,

magiging kontento ako sa anumang mayroon ako, habang inaabot kung ano man ang nais ko..

Thursday, April 2, 2009

WALANG LUNAS

Matagal tagal na rin nang huli akong naglathala.. siguro dahil narin sa matinding atake ng katamaran.. matagal tagal ko na ring dinaranas ang sakit na iyon.

Ngunit kahit gayoo'y ni hindi ko naramdaman ang epekto nito sa mga bagay bagay... sa aking buhay.

Bago pa man ang tatlong buwang pagpapaliban ko sa pagsulat, madalas akong pinipilit ng nanay ko (itago na lang natin sya sa pangalang "Inay") na umuwi sa amin sa Laguna.
Bagama't may oras at panahon, pinili ko pa rin huwag na lamang bumaba sa amin.

Mainit sa amin, kakalabas mo palang ng paliguan ay nanlilimahid ka na sa pawis, tila doon lamang nagkaroon ng literal na ibig sabihin ang "Comfort Room", dahil doon lang comfortable. Wala ring galaan sa amin, kailangan mo pang sumakay ng tricycle o jeep para lamang makarating sa mga lugar na medyo nakakalibang, eh isipin mo nalang "medyo" pa yun. Wala rin akong mga kabarkada sa amin, kung meron man eh malamang di na nila ako kilala sa tagal na rin na di kami nagkita, biruin mo mula grade 1 ng huli kaming nag pangita-ngita. Oh eh ano pang rason para bumaba eh sobrang inconvenient kaya sa layo, tapos pagod ka pa, ay sus kaya kong sumulat ng napakaraming dahilan para di umuwi.

Dumaan ang mga araw, tila napagod narin si inay sa kasasabi sa akin. Anim na taon akong hindi umuwi, ni hindi man lang sumulyap sa aking lupaing pinagmulan. Tila hinahabol ng araw ang buwan sa bilis ng paglipas ng maghapon.

Dumating ako sa punto na ninais ko nang umuwi kahit batid ko ang hirap at pagod. Saglit na nagmukmok sa isang sulok at doon ko napagtanto na tila mas maraming dahilan upang ako'y magbalik sa Laguna. Bagama't handa na at buo ang loob, di ko maiwan ang mga nakaambang mga proyekto sa paaralan, mga pagsusulit na naghihintay na sagupain. Ako'y nalungkot at
nanghinayang, sa mga oras na sinayang ko na sana'y ginamit ko para makauwi.

Muli, nagdaan ang mga araw. Dulot ng pagod at puyat, nalimot muli ang diwa ng pagpunta sa Laguna. Masaya ang araw-araw, sinalubong ko ang bawat umaga na may ngiti sa labi. Ngunit..
nang isang hapong dumaan ako sa pwesto namin sa Palengke.. Naratnan ko si Inay, nanghihina at lumuluha.. tumurok ang sakit nang sinulyapan ni Inay ang aking mga mata.. Tila nangusap ang kanyang mga luha, at kahit di niya sabihin ay batid ko na ang nangyari..

Saglit na napahinto at ginunita ang lahat.. di ko man ninais ay nanariwa ang alaala ng nakaraan. Lahat ng masayang pangyayari, lahat ng hirap na dinanas namin ng magkasama,

lahat ng saya na dinulot nya, lahat ng sakripisyo na ginawa niya.. ngayon, lahat ay alaala na lamang. Sumabog ang aking dibdib at rumagasa ang luha sa aking mga mata...
"wala na si lola"..

Matagal na rin siyang hirap sa kalagayan niya, kaya batid ko na balang araw mawawala sya. Ngunit hindi yaon ang punyal na nagpasabog ng aking mga luha, hindi ang dagliang pagkawala niya ang kumurot sa tila inaamag kong damdamin.. ngunit ang kaisipan na:

"hindi ako nakauwi sa amin.. dahil na rin malala ang sakit ko..."

-katamaran, kailan kaya ako gagaling?

Saturday, January 3, 2009

ANG PASKO.. ANG BAGONG TAON.. AT ANG SAYA..

Simulan natin ang kwento sa isang matinding katotohanan.... masarap kumain. Kasabay ng aking di mapigilang pagtaas ng timbang ay ang pagragasa ng grasya sa hapagkainan... Nariyan ang snowstorm, fruitas, 7/11, mc donalds, red ribbon, chowking, jollibee, yellowcab, don henricos, dencios at sobrang dami pa sa tabi-tabi.. aba'y tila bawat plato ay nagmistulang mani sa dami..

At syempre, ang panaginip na malunod sa dami ng pagkain ay hindi magkakatotoo kundi dahil sa aking mahal na si Rina at ang kanyang butihing pamilya.. ^_^

Tila ang bawat araw ay puno ng saya at paglalakbay, matagal na akong nakatira sa Baguio at di ko sukat akalain na may mga lugar pala dito na di lingid sa aking isipan.. gaya ng john milton hay na tunay na pangalan ni john hay.. at ang PMA pala ay may maaksyong treehouse.. at kung ano ano pa... wala akong maalalang araw na di kami nagsaya...

Syempre kasama narin doon ang bespren kong si kompyuter.. naglaro tulad ng isang normal na bata, at gumawa ng laro tulad ng isang i.t. student... matagal-tagal naring panahon ang lumipas mula ng nalaro ko Counter Strike at Battle Realms, sino nga bang makakalimot nun, pero ang masaya pa roon, nalaro ko muli ito kasama ng aking mahal, ang kanyang kapatid, at ang kanyang magiging step-kapatid ^_^...

At syempre naman, kahit puno ng saya ang bakasyon, di ko nakalimutan ang ating birthday boy, Jesus Christ,.. Masaya ako sapagkat ngayong bakasyon ay naramadaman ko na lalo pang nag-igting ang aking relasyon sa kanya.. ^_^ salamat narin kay rina at muli akong nakadalo ng misa bago ang kaarawan ng mahal nating Panginoon..

Muli, habang itinatype ang lathalang ito, muli akong napaisip.. "Nasan ang regalo ko?"... sabay ngiti at sinabi sa sariling... "Ang araw-araw ay regalo"... walang materyal na bagay ang makapapantay sa mga sayang natanggap ko ngayong taon.. at natitiyak ko na sa susunod na taon ay higit pa ang naghihintay sa akin..

At para paikliin ang lahat.. masaya ang pasko kasama ang pamilya ko(si nay at tay at mga kapatid), kasama ang mahal(c rina), at ang kanyang pamilya(si tita Gia, Raianne, Tompee, Ate Jonah at Pompey).. at lalo pang sumaya dahil kahit nagpro-program ako eh,.. sa bahay naman ngbagong taon ang mahal ko.. e di happy programming... Merry Christmas and Happy New Year ^_^


salamat sa sayang dulot mo..

Sunday, December 14, 2008

DESPERADO...

Buong linggo na akong halos walang tulog.. hindi dahil emo ako, at hindi din dahil may sakit ako.. talagang busy nga lang,.. Ngunit, sa kabila ng aking sitwasyon ngayon, siguro masasabi kong sanay na ako.. puyat, pagod, sakit ng ulo, bale wala na yun.. tulad ngayon, puyatan nanaman,.. matutulog na sana ako ng bigla kong nakita ang larawang ito:




Hindi ko lang maintindihan, na sa kabila ng lahat, mas pinipili kong matuto kesa magpahinga... pagod na ako, pero heto't naghahanap parin ng mga bagay na pwedeng isiksik sa utak ko... ngunit, paano kung dumating ang araw mawala ang computer ko, o wala na ang computer sa mundo, saan mapupunta ang kaalaman ko?

Mababakas ang kakatwang damdamin ng larawan, ngunit kung totoo nga ito, ano kayang tumatakbo sa isip ng may ari ng computer na yun? -ang pagkadesperado na maibalik ang takdang-aralin na ilang gabi ring pinagpuyatan..

hindi ko alam kung ano nga bang paroroonan ng lathalang ito, ngunit... talagang badtrip lang ako dahil nag-restart ang computer di ko pa nasave ginagawa ko.. buti sana kung ninakaw, pwede ko pang ipa-email.. eh kase naglaho eh...

hai... totoo nga ang sabi nung nakita ko... sana.. sa buhay... may CTRL+Z...

Saturday, December 13, 2008

SA KABILANG KANTO...

Sa kahabaan ng Bonifacio Road sa Baguio, nagkalat ang mga X-men.... o Xerox-men... Yung tipong may hawak ka lang na papel eh babanatan ka agad ng "Xerox ading!"... Di na bago ang mga ganoong sitwasyon lalo na kung ikaw ay nagaaral sa SLU..

Sa bawat sinkwenta sentimos (50 cents) kada pahinang photocopy, ano pa kaya kikitain ng mga taong ito? Maghapon nakatayo, nagaabang at umaasa na sana'y sa araw na ito, marami ang mga estudyanteng tamad magsulat at walang pangpa-print kaya't dadaan at magpapa-photocopy...

Ngunit, ano man ang paghihirap nila, kung susundin ang mga karatula.. balewala ang kanilang pagpupunyagi... silipin:




May kakaiba ba? Eh sa lahat na ata ng bagay sa mundo, eh ito na ang pinakamura,.. "Photocopy, .50 cents"..

Sya nga nama't naghihirap na ang inang bayan... lahat ng bilihin nagmamahal, lahat ng bagay mataas.. ngunit sa bawat piso nyo, maari kayong magpa-photocopy ng 200 pages, kung may butal man eh, "keep the change manong ^_^"..

Pinas lang yan ^_^